Mag-ama, todas sa aksidente
- BULGAR

- Sep 19, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 19, 2020
ZAMBOANGA DEL SUR—Namatay ang mag-ama nang aksidenteng bumangga sa puno ang sinasakyan nilang van kamakalawa sa Bgy. Sagua, Margosatubig.
Kinilala ng pulisya ang mag-amang biktima na sina Roland at Jayson Cadimas, kapwa residente ng Pagadian City.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Roland sa pagmamaneho ng van na kinalululanan din ng kanyang anak na si Jayson kaya bumangga sa puno ang naturang sasakyan.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga sa puno ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo ang mag-amang biktima.
Napag-alamang namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente si Roland, samantalang namatay naman habang ginagamot sa ospital ang kanyang anak na si Jayson.



Comments