Mag-ama, tinodas ng mga armado
@Balitang Probinsiya | March 6, 2022
ALBAY–Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa ang mag-amang residente ng Bgy. Nogpo, Libon.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay ang mag-amang Renato, nasa hustong gulang at Jhoren Seva, 19-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay ang mag-ama ay biglang dumating ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang mag-amang biktima..
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa mga biktima.



Comments