top of page

Maagang nag-asawa at nag-retire, yayaman pa dahil sa pag-aalaga ng mga hayop at halaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| August 17, 2020




KATANUNGAN

  1. Binata pa lang ako, pangarap ko nang yumaman, pero nakapag-asawa, nagtrabaho, nagka-anak at nagka-apo agad ako. Ngayon ay retired na ako at nag-aalaga ng mga hayop at halaman sa nabili kong maliit na lupa sa bukid, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako yumayaman.

  2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung may pag-asa pa ba akong yumaman? Kung meron, sa paanong paraan at anong edad ako yayaman?

KASAGUTAN

  1. Upang yumaman, ang pinakamaganda mong dapat gawin ay magnegosyo. Sa ibang salita, imbes na mag-alaga ka ng mga hayop at halaman sa bukid na nagsisilbing libangan mo lang, puwede mo itong gawing pormal at tunay na negosyo. Ito ang nais sabihin ng malinaw at makapal na Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Sa halip na r’yan ka lang sa bukid, ang isa pang maganda ay kung maghahanap ka ng puwesto sa palengke o poblacion kung saan makaka-establish ka ng maraming market at koneksiyon upang doon magbukas ng isang tindahan na may kaugnayan din sa mga agricultural products. Kasabay nito, pagbubutihin mo pa rin lalo ang paghahayupan at paghahalaman mo sa bukid. Maaaring kumuha ka ng taga-bantay at taga-alaga ng mga hayop at halaman, habang ikaw ay magsisilbing manager o tagapamahala ng iyong farm.

  3. Sa ganyang paraan, mapalalaki mo ang iyong negosyo na may kaugnayan din sa agricultural products at mas madali kang uunlad at yayaman. Kung ayaw mo naman ng tindahan na may kaugnayan sa agricultural products, puwede rin namang dagdagan o paramihin mo ang mga alaga mong hayop at halaman. Tulad ng maraming kambing at baka o pilitin mong maging supplier ng mga gulay at iba pang agricultural products sa inyong palengke o lugar. Upang yumaman, kailangang may negosyo o kalakal kang ibinebenta at kailangang mapalaki o maparami mo ang mga ito.

  4. Ang malinaw at makapal na Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. N-N arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabing sa malakihang venture o pangangalakal, mas mabilis kang uunlad hanggang sa tuluy-tuloy ka nang yumaman.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Manuel, partikular ang straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad at ang malinaw na Business Line (N-N arrow a.) ay nagsasabing kapag sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong tinuran na sa itaas, malaking pangarap o paglulunsad ng negosyo ang dapat, hindi pa huli ang lahat, sa 2023 sa edad mong 65 pataas, hindi pa naman gaanong katandaan dahil batak ang katawan sa bukiran, hindi mo na rin mapapansing unti-unti nang lumalago ang iyong kabuhayan hanggang sa hindi mo namamalayang unti-unti ka na ring yumayaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page