Lupa gumuho, tubero sugatan
@Balitang Probinsiya | June 14, 2022
ALBAY–Sugatan ang isang tubero nang gumuho ang hinuhukay niyang lupa kamakalawa sa bayan ng Malinao.
Hindi na muna pinangalanan ang biktima habang hindi pa naipababatid sa pamilya nito ang kinasangkutan nitong aksidente.
Ayon sa ulat, naghuhukay ang tubero para sa ilalagay nitong water pump nang biglang gumuho ang tinutuntungan nitong lupa.
Kaagad namang sumaklolo ang mga residente at naiahon sa gumuhong lupa ang biktima.
Kasalukuyang pang ginagamot ngayon sa ospital ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan.



Comments