top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lumabag na sa curfew, nakumpiskahan pa ng 2 patalim

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 23, 2021



AKLAN—Isang 19-anyos na binatang lumabag sa curfew ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng dalawang patalim kamakalawa sa Bgy. San Dimas, Malinao.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Melbert Cabatac, nakatira sa Bgy. Libang, Makato sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, sinita ng nagpapatrulyang pulisya si Cabatac dahil sa paglabag sa curfew habang naglalakad sa nasabing barangay at nang kapkapan ay nakumpiskahan ito ng dalawang kutsilyo.


Sa pag-aakalang matansero si Cabatac ay hinanapan ito ng permit sa pagdadala ng mga patalim, pero wala itong maipakita kaya agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of bladed weapons at paglabag sa curfew.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page