Lolong drug pusher nasakote
@Balitang Probinsiya | May 2, 2022
SORSOGON – Isang 66-anyos na lolo na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bibincahan, Sorsogon City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Arnel Alano, nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang lolong drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 505 gramo ng marijuana at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments