top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo todas sa karambola

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 5, 2022


ISABELA—Patay ang 65-anyos na lolo at dalawa pa ang sugatan sa naganap na karambola o banggaan ng tatlong sasakyan kamakalawa sa Bgy. Marana 1st, Ilagan City.


Kinilala ang nasawi na si Sammy Tanilon, samantalang ang mga sugatan ay sina John Penera, 30-anyos at Juanito Buizon, 47-anyos, pawang nakatira sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Buizon sa pagmamaneho ng kolong-kolong kaya aksidenteng nabangga nito ang mga motosiklong minamaneho nina Tanilon at Penera.


Nabatid na dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Buizon dahil sa malaking pinsala sa ulo sa naganap na aksidente.


Bagama’t sugatan din sa naganap na aksidente ay sasampahan ng pulisya si Buizon ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page