Lolo, todas sa hampas ng helmet
@Balitang Probinsiya | May 20, 2023
ILOILO—Isang 61-anyos na lolo ang namatay nang hampasin sa ulo ng helmet ng isang rider, kamakalawa sa Bgy. Ardemil, Sara sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Rogelio Pacumba, samantalang ang suspek ay si Rommel Dopit, 48, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nakaangkas si Pacumba sa motorsiklong minamaneho ng kaibigan niyang si Marcelino Palomaria ay nakagitgitan nila ang motorsiklong minamaneho ni Dopit.
Dahil dito, nagkaroon ng pagtatalo ang magkabilang-panig, hanggang sa hampasin ni Dopit ng kanyang helmet sa ulo si Pacumba na agad ikinatumba ng biktima.
Dinala ni Palomaria si Pacumba sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang sinampahan na ng pulisya si Dopit ng kasong murder.



Sir sino pong sumulat ng balitang ito?