top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo tiklo sa panggagahasa sa apo

BULGAR
Apr 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 19, 2022


CATANDUANES – Isang 60-anyos na lolo na umano’y gumahasa sa kanyang apo ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Caramoran, sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya, ay hindi na pinangalanan ang suspek at ang biktima.

Ayon sa ulat, nag-iisa sa kanilang bahay ang biktima nang pumasok ang suspek at dito ginahasa ang kanyang apo.


Matapos ang panggagahasa ay tumakas ang suspek at nagtago.


Napag-alaman na may nagbigay ng impormasyon sa pinagtataguan ng lolo kaya agad itong pinuntahan ng mga operatiba at agad dinakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page