top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo tepok sa jeep at trak

BULGAR
Sep 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 25, 2022


ALBAY—Isang 70-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng jeep at trak kamakalawa sa Bgy. Travesia, Guinobatan.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Alfred Lagonoy, nakatira sa Bgy, Tandadora sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang tumatawid sa kalsada si Lagonoy ay aksidente itong nabangga ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Roman de Guzman, nasa hustong gulang, at sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sa kabilang kalsada ang biktima at dito ay nabangga naman ito ng trak na minamaneho ni Charlie Malaya, nasa hustong gulang.


Napag-alamang nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan si Lagono dahilan, kaya namatay ang biktima sa mismong pinangyarihan ng aksidente.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang dalawang driver na kapwa nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page