top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo sugatan sa sunog

BULGAR
Oct 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 15, 2022


AKLAN—Isang 74-anyos na lolo ang sugatan sa naganap na sunog kamakalawa sa Boracay Island, Malay.


Kinilala ang biktima na si Federico Vista, residente ng Bgy. Balabag, Boracay Island sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ni Vista kaya tumawag sila ng mga bumbero at nailabas agad ang biktima mula sa nasusunog niyang tahanan.


Nabatid na bukod sa bahay ni Vista ay nadamay din nasunog ang commercial building na pag-aari ni Angelina Sacapano, nakatira rin sa nabanggit na lugar.


Makalipas ang ilang oras ay naapula rin ang apoy sa nasunog na bahay ni Vista at commercial building ni Sacapano, at sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page