Lolo, pinatay ng kelot
@Balitang Probinsiya | July 17, 2022
PALAWAN—Isang 65-anyos na lolo ang namatay nang tagain ng binata kamakalawa sa Bgy. Quinlogan, Quezon.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Lito Castro, samantalang ang suspek ay si Melchor Alipoon, 22-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Alipoon nang harangin ni Castro na armado ng itak at tinangka ng biktima na tagain ang suspek.
Nabatid na naagaw umano ni Alipoon ang itak at tinaga sa leeg si Castro na agad nitong ikinamatay.
Pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek.



Comments