top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Lolo, nilikida ng gunman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 12, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | January 12, 2022


AKLAN–Patay ang 62-anyos na lolo nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Rosario, Malinao.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Nonito Namay, nakatira sa Bgy. Bulabod sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, naglalakad umano si Namay nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page