Lolo nilikida ng armado
- BULGAR
- Jun 7, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 7, 2022
NORTH COTABATO–Patay ang 62-anyos na lolo nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Antipas.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Ricardo Mandaraog, nakatira sa Bgy. Camutan sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, naglalakad si Mandaraog nang sumulpot ang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments