top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Lolo, nilikida ng armado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 17, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | January 17, 2022


NUEVA ECIJA--Patay ang 70-anyos na lolo nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Cavite, Guimba.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Ernesto de Guzman, nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, lulan si De Guzman ng kanyang motorsiklo nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page