top of page
Search
  • BULGAR

Lolo natagpuang patay sa ilog

@Balitang Probinsiya | May 3, 2022


AKLAN – Isang 67-anyos na lolo ang natagpuang patay kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Poblacion, New Washington sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Rolando Montano, residente ng nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing ilog.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, huli umanong nakitang buhay si Montano na nagpa-pump ng tubig sa bangka nito.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung aksidenteng nahulog sa ilog kaya nalunod ang lolo o kung may foul play na naganap sa pagkamatay ng biktima.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page