top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lolo, natagpuang patay sa bukid

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 9, 2021



CAPIZ—Isang 66-anyos na lolo ang natagpuang patay kamakalawa sa kanyang bukid sa Bgy. Cubay, President Roxas.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alejandro Dely, nakatira sa nabanggit na bayan.


Nabatid na ilang magsasaka ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa bukiring pag-aari nito.


Ayon sa ulat, na huling nakitang buhay si Dely habang naglalakad sa kanyang bukirin.


May hinala ang mga awtoridad na posibleng atake sa puso ang ikinamatay ni Dely dahil walang makitang palatandaan na pinatay ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page