top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo natagpuang patay sa bahay-kubo

BULGAR
Apr 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 18, 2022

AKLAN – Isang 77-anyos na lolo ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay-kubo kamakalawa sa Bgy. Pook, Kalibo sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Lodovico Villaruel, Jr., residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid na ilang residente sa nasabing barangay ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa loob ng bahay-kubo nito.


Napag-alaman na wala namang palatandaan na pinatay ang biktima.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong atake sa puso ang ikinamatay ni Villaruel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page