top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo nanuntok ng kelot arestado

BULGAR
Sep 11, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 11, 2022


ALBAY—Isang 62-anyos na lolo ang dinakip ng pulisya dahil sa panununtok kamakalawa sa Bgy. Market Site, Daraga.


Kinilala ang suspek na si Senen Ombao, samantalang ang biktima ay si Josue Candoy, nasa hustong gulang, at kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Ombao at Candoy hanggang sa suntukin ng suspek ang biktima na tinamaan sa mukha.


Nabatid na naglabas pa si Candoy ng paper cutter at iwinasiwas ito kay Candoy.


Dahil dito, humingi ng tulong sa pulisya si Candoy at inireklamo si Ombao kaya rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek na nahaharap sa kasong physical injury.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page