top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo nalunod sa dagat

BULGAR
Apr 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 20, 2022


CATANDUANES – Isang 67-anyos na lolo ang namatay nang malunod kamakalawa sa dagat na sakop ng Brgy. Salvacion, Baras sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rene Tolledo, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang lolo habang nanghuhuli ng isda sa baybaying dagat gamit ang isang maliit na lambat.


Nabatid na nakita ng mga residente na tinangay ng alon ang lolo kaya nagawi ito sa malalim na bahagi ng dagat kaya nalunod.


Agad sumaklolo ang mga residente, pero patay na nang maiahon sa dagat ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page