top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lolo nagbigti sa puno

BULGAR
Aug 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 28, 2022


QUEZON—Isang 67-anyos na lolo ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa puno kamakalawa sa Bgy. Biga, Pitogo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Efren Cortez, nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakakita sa nakabigting bangkay ng biktima sa puno ng mangga kaya't ini-report nila ito sa pulisya.


Sinabi ng mga kamag-anak ng biktima na wala silang alam na dahilan para magpakamatay si Cortez.


Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matiyak na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page