Lolo nagbigti sa bahay
@Balitang Probinsiya | May 27, 2022
AKLAN – Isang 61-anyos na lolo ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili kamakalawa sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa bayan ng Makato sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktima na residente ng nasabing bayan.
Nabatid na ilang kamag-anak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng lolo sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa pamilya ng lolo ay wala silang alam na dahilan para magpakamatay ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.



Comments