Lolo na gumahasa sa apo, arestado
@Balitang Probinsiya | February 09, 2022
CAMARINES NORTE–Isang 64-anyos na lolo na gumahasa sa kanyang apo ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Matnog, Basud.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ang suspek at ang biktima.
Ayon sa ulat, nag-iisa sa kanilang bahay sa La Union ang biktima nang pumasok ang suspek ay dito ginahasa ang kanyang apo.
Matapos ang panggagahasa ay tumakas ang suspek at nagtago sa Camarines Norte.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng lolo kaya agad itong pinuntahan ng mga operatiba at agad dinakip ang suspek.



Comments