Lolo dedbol sa suntok ng tanod
@Balitang Probinsiya | October 3, 2022
ISABELA—Isang 62-anyos na lolo ang namatay nang suntukin ng barangay tanod kamakalawa sa Bgy. Bugbog, Bucay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jacinto Tenebro, samantalang ang suspek ay si Ronald Tagura, 40-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Tenebro at Tagura na humantong para suntukin ng suspek ang biktima at nang bumagsak ang lolo ay nabagok ang ulo nito sa sementadong kalsada.
Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nabatid na nagtangka pang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga rumespondeng pulisya.



Comments