Lolo dedbol sa motorcycle hauler
@Balitang Probinsiya | August 23, 2022
CAMARINES NORTE—Isang 95-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorcycle hauler kamakalawa sa Bgy. Talobatib, Labo.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Tito Yaneza, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang tumatawid sa kalsada si Yaneza ay aksidente itong nabangga ng motorcycle hauler na minamaneho ng hindi pinangalanang driver.
Napag-alamang nagtamo ng malaking pinsala sa ulo ang biktima dahilan kaya ito namatay.
Kusa namang sumuko sa pulisya ang driver ng motorcycle hauler na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments