Lolo dedbol sa motor
@Balitang Probinsiya | Pebrero 8, 2023
AKLAN – Isang 68-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Cawayan, New Washington sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rodrigo Samongsong, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo sa gilid ng kalsada si Samongsong nang aksidente itong mabangga ng motor na minamaneho ni Richard Martesano, 56, residente ng naturang bayan.
Napag-alaman na nagtamo ng malaking pinsala sa ulo ang biktima na naging dahilan kaya ito namatay.
Sumuko naman sa pulisya si Martesano na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments