Lolo, arestado sa buy-bust
- BULGAR
- Feb 15, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 15, 2022
BULACAN–Isang 67-anyos na lolo ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ibayo, Marilao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jovencio Garcia, nakatira sa Bgy. Mapulang Lupa, Valenzuela City.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments