top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lola todas sa motorsiklo

BULGAR
Oct 6, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 6, 2022


ALBAY—Isang lola ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bonga-Bayan, Bacacay.


Ang biktima ay nakilalang si Maximina Bolanos, 69-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Mario Boncodin, nasa hustong gulang, kaya aksidenteng nabangga nito ang lola na tumatawid sa kalsada.


Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Nahaharap si Boncodin sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page