Lola, tinodas ng mga kawatan
@Balitang Probinsiya | March 4, 2022
RIZAL–Isang 64-anyos na lola ang pinatay ng mga magnanakaw kamakalawa sa Bgy. Cupang, Antipolo City.
Kinilala ang biktima na nagtamo ng palo sa ulo at mga saksak sa katawan na si Delia Ferrer, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nilooban ng mga suspek ang bahay ni Ferrer, pero nanlaban ang biktima kaya pinalo ito ng matigas na bagay sa ulo at pagkaraan ay pinagsasaksak pa ang lola.
Matapos makapagnakaw at mapatay ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.



Comments