Lola, sugatan sa van
- BULGAR
- Feb 24, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 24, 2022
CAPIZ–Sugatan ang 62-anyos na lola nang aksidenteng mabangga ng van kamakalawa sa Bgy. Poblacion Norte, Sigma.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Lorna Colindon, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van minamaneho ni Joese Donesta, 37-anyos, kaya aksidenteng nabangga nito ang biktima na tumatawid sa kalsada.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa ospital.
Nahaharap si Donesta sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury..



Comments