top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Lola natagpuang patay sa ilog

BULGAR
Sep 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 1, 2022


AKLAN—Isang 74-anyos na lola ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa ilog ng Bgy. Ginictan, Altavas.


Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente sa nasabing barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa ilog sa naturang lugar.


Ayon sa ulat, huling nakitang buhay umano ang biktima habang naglalaba sa ilog.


Sa pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alamang nadulas ang biktima at tumama ang mukha nito sa bato dahilan kaya ito nawalan ng ulirat at nalunod sa ilog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page