Lola, dedbol sa trak
@Balitang Probinsiya | July 16, 2022
CAMARINES SUR—Isang 74-anyos na lola ang namatay nang aksidenteng mabangga at masagasaan ng trak kamakalawa sa Bgy. Banga Caves, Ragay.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Emma Franzuela, nakatira sa Bgy. Casoy, Catarman, Samar.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Jerry Alqiezer, nasa hustong gulang kaya nabangga at nasagasaan nito ang biktima na tumatawid sa kalsada.
Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang biktima.
Nahaharap si Franzuela sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments