Lola, dedbol sa SUV

@Balitang Probinsiya | January 15, 2021
AKLAN—Isang 78-anyos na lola ang namatay nang aksidenteng mabangga ng SUV (Sports Utility Vehicle) kamakalawa sa Bgy. Joyao-Joyao, Numancia.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Evangelina Ilagan, residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ni Johnpons Capalad kaya aksidenteng nabangga nito ang biktima na tumatawid sa kalsada.
Kaagad dinala ng mga saksi si Ilagan sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Capalad na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments