Lola, dedbol sa motorsiklo
@Balitang Probinsiya | July 8, 2022
QUEZON—Patay ang 80-anyos na lola nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Rizal Ibaba, Calauag.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Nelia Encallado, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Erickson Lasalita, 29-anyos kaya aksidenteng nabangga nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa pagkabagok ng ulo sa sementadong kalsada.
Nahaharap si Lasalista sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments