Lola, binoga ng 2 armado
@Balitang Probinsiya | June 1, 2023
QUEZON—Isang 62-anyos na lola ang nasa kritikal na kondisyon nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Calumpang, Tayabas City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ligaya Entociasmo, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang tindahan si Entociasmo ay sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments