top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lola at anak, pinagsasaksak

BULGAR
Jul 3, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 3, 2022


QUEZON—Isang lola at isang binatang anak nito ang sugatan nang pagsasaksakin sila ng hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Pahinga Norte, Candelaria.


Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na sina Marilyn, 64-anyos at Emmanuel Aldea, 64-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ina nang pumasok ang suspek at agad silang pinagsasaksak.


Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek.


Inaalam na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pananaksak, samantalang ginagamot na sa ospital ang mag-inang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page