Library ng iskul natupok
- BULGAR
- May 28, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 28, 2022
AKLAN – Isang library ng isang eskuwelahan ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Brgy. Andagao, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang nasunog ay ang library ng Aklan National High School of Arts and Trade (ANHSAT) sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa library ng eskuwelahan.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
May hinala ang mga awtoridad na faulty wiring ang sanhi ng sunog.



Comments