top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lending collector hinoldap

BULGAR
Sep 3, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 3, 2022


ALBAY—Isang lending collector ang hinoldap ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Mauraro, Guiniobatan.


Ang biktima ay nakilalang si Ronald Relos, 28-anyos, residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa biktima, habang naniningil ng pautang si Relos ay biglang sumulpot ang dalawang suspek at tinutukan siya ng baril at pagkaraan ay nagpahayag ng holdap.


Matapos ang panghoholdap ay mabilis na tumakas ang mga suspek na tangay ang cellphone at bag ni Relos na naglalaman ng P30,000 cash collection ng biktima.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang dalawang holdaper.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page