Lending collector, binaril ng tandem
@Balitang Probinsiya | June 9, 2022
BATANGAS--Sugatan ang lending collector nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Rizal, Lipa City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa kanang kamay at kaliwang braso na si Jesus Esguerra, nakatira sa Ibaan sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang motorsiklo si Esguerra ay dinikitan ito ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa kamay at braso.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Ginagamot na sa ospital si Esguerra, samantalang iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa biktima.



Comments