top of page

Laundry shop tinupok ng apoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 2, 2021
  • 1 min read

Updated: Jan 9, 2021

@Balitang Probinsiya | January 2, 2021



ISABELA—Isang laundry shop ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Alibagu, Ilagan City.


Ang establisimyentong nasunog ay pagmamay-ari ni Sally Nicanor, residente sa bayan ng Luna sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa laundry shop at mabilis na kumalat ang apoy sa buong establisimyento


Nabatid na wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog.


May hinala ang mga awtoridad na faulty wiring ang sanhi ng sunog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page