top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lasing, tumalon sa patrol car dedbol

BULGAR
Aug 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 26, 2022


AGUSAN DEL NORTE—Isang lasing na pipi ang namatay nang tumalon sa patrol car at mabagok ang ulo sa kalsada kamakalawa sa Brgy. Ampayon, Butuan City.


Ang biktima ay nakilalang si Raymond Cabalde, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, galing sa inuman si Cabalde at ang kaibigan niyang si Joper Gomez at habang lulan sila ng motorsiklo ay aksidenteng nabangga nila ang isang ginang sa kalsada.


Nabatid na kaagad rumesponde ang mga awtoridad at isinakay sina Cabalde, Gomez at ang ginang sa patrol car para dalhin sa ospital, pero bigla umanong tumalon ang biktima at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada.


Napag-alaman na muling isinakay sa patrol car si Cabalde at nang pagsapit sa ospital ay idineklara itong dead-on-arrival, samantalang ginagamot pa sa ospital si Gomez at ang ginang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page