Lasing tinodas ng kapwa lasing
@Balitang Probinsiya | October 18, 2022
CAVITE—Isang lasing na lalaki ang napatay nang tagain ng kapwa niya lasing na kainuman kamakalawa sa Bgy. Zambal, Tagaytay City.
Ang biktimang nagtamo ng taga sa ulo ay nakilalang si Bonifacio Gonzales, samantalang ang suspek ay si Jester Andaya, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Gonzales at Andaya hanggang tagain ng suspek ang ulo ng biktima.
Nabatid na dahil halos mabiyak ang ulo, kaya agad namatay sa pinangyarihan ng krimen ang biktima.
Nahaharap ang suspek sa kasong murder.



Comments