Lasing, tinaga ng kapitbahay

@Balitang Probinsiya | December 19, 2020
AKLAN—Isang lasing ang sugatan nang tagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Isidro, Banga.
Ang biktimang nagtamo ng taga sa ulo ay nakilalang si Efren Vicencio, samantalang ang suspek ay si Charlet Carpio, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng inuman sa labas ng bahay ni Vicencio dahil birthday ng anak nito, pero dahil sa ingay na dulot ng selebrasyon ay galit na pinuntahan ito ni Carpio at agad tinaga sa ulo ang biktima.
Nang duguang bumagsak ang biktima, ay mabilis na tumakas ang suspek.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap na ng pulisya si Carpio.



Comments