Lasing, timbog sa patalim
@Balitang Probinsiya | February 16, 2022
CAPIZ–Isang lasing ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng patalim kamakalawa sa Bgy. 8. Roxas City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Paulo Apostol, 18-anyos, nakatira sa Bgy. Dinginan sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang lasing na naglalakad si Apostol ay may hawak itong patalim kaya dinakip ito ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of deadly weapon.



Comments