Lasing, timbog sa patalim
@Balitang Probinsiya | February 05, 2022
AKLAN–Isang lasing na lalaki ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng patalim kamakalawa sa Bgy. Angas, Batan.
Ang suspek ay nakilalang si Reynaldo Bolivar, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inireklamo ng hindi pinangalanang ginang sa pulisya ang lasing na suspek na pumasok sa kanilang bahay.
Kaagad rumesponde ang pulisya at nang palabasin sa bahay ng ginang si Bolivar at kapkapan ito ay nakumpiskahan ng patalim.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of deadly weapon at trespassing.



Comments