top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lasing sinaksak ng katoma

BULGAR
Jun 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 9, 2022


AKLAN--Isang lasing ang nasa kritikal na kalagayan nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Old Buswang, Kalibo.


Ang biktima ay nakilalang si Reylon Dingcalan, 31-anyos, samantalang ang suspek ay si Jose Erenea, 54-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nang malasing umano sa inuman ay naging makulit na si Dingcalan kaya nagkaroon sila ng pagtatalo ng kainuman niyang si Erenea na humantong para maglabas ng patalim at saksakin ng suspek ang biktima sa iba't ibang parte ng katawan.


Kaagad dinala ng mga saksi si Dingcalan sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page