Lasing nahulog sa bangin, dedol
- BULGAR
- Jan 9, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 09, 2022
ILOCOS SUR–Patay ang 20-anyos na lalaki nang aksidenteng mahulog kamakalawa sa bangin ng Bgy. Poblacion, Quirino.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Revin Sombredo, residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nakikipag-inuman ay tumayo umano si Sombredo para umihi sa gilid ng bangin, pero aksidente itong nahulog.
Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala ang biktima sa pagamutan.
Nabatid na namatay si Sombredo habang ginagamot sa ospital dahil sa malaking pinsala sa ulo na tinamo nito.



Comments