Lasing nag-amok, 2 kainuman pinatay
@Balitang Probinsiya | August 31, 2022
NORTH COTABATO—Isang lasing na nag-amok at nakapatay ng dalawa niyang kainuman ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Barangiran, Alamada.
Kinilala ang suspek na si Richel Nicor, 33-anyos, samantalang ang mga biktima ay nakilalang sina Felix Arigola at Rolando Salcedo, kapwa nasa hustong gulang at pawang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ang tatlo ay biglang kumuha ng itak si Nicor at pinagtataga sina Arigola at Salcedo.
Napag-alamang nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng rumespondeng pulisya.
Dinala naman ng mga saksi sina Arigola at Salcedo sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival dahil sa tinamong mga tama ng taga sa katawan.



Comments