top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lasing, nabangga ng van

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 12, 2022


PALAWAN–Sugatan ang 39-anyos na lalaking lasing nang aksidenteng mabangga ng van kamakalawa sa Bgy. Tagumpay, Roxas.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ronnie Fresnillo, samantalang kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng van na si Daniel Banog, kapwa residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van kaya aksidenteng nabangga ang lasing na biktima na tumatawid sa kalsada.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa ospital.


Nahaharap si Banog sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page