Lasing na rider, sugatan sa SUV

@Balitang Probinsiya | February 6, 2021
AKLAN—Sugatan ang lasing na rider nang aksidenteng bumangga sa SUV (sports utility vehicle) ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Estancia, Kalibo.
Nakilala ang biktima na si Jayar Legaspi, residente ng bayan ng New Washington sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, dala ng labis na kalasingan ay aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo ni Legaspi sa minamanehong SUV ni Jimmy Crispino, nakatira rin sa nabanggit na lalawigan.
Kaagad dinala ng mga saksi si Legaspi sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Crispino na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property, samantalang kakasuhan din si Legaspi ng paglabag sa driving under the influence of liquor.



Comments